Sa Vesta, sinisikap namin na mabigyan kayo ng mga serbisyo ng kalakalan sa wika kung saan kayo maginhawang makipagkalakalan. Sa pamamagitan ng malawak, may iba't-ibang wika na suportang kawani, magkakaroon kayo ng pagkakataon na maunawaan ang mga oportunidad na inilaan sa inyo sa inyong sariling wika -- na walang gastos at abala sa paggamit ng isang tagasalin-wika.
Narito ang mga sagot sa ilan sa mga pinaka-karaniwang tanong tungkol sa 1031 Exchange. Kung sa anumang oras, ay mayroon kayong tanong o alalahanin, pakitawagan kami sa (888)212-1031!
Ano ang §1031 Tax-Deferred Exchange?
Ang §1031 Exchange ay isa sa pinakamatandang batas sa buwis na umiiral sa bansa. Ang mga Tax-Deferred Exchange ay unang ginamit noong 1921 na nagbibigay-kakayahan sa mga may-ari ng mga puhunang ari-arian na iantala ang pagbayad sa capital gains na may kaugnayan sa pagbenta ng mga ari-ariang ito. Ang paraang ito ay nakalahad sa ilalim ng Kodigo ng Rentas Internas (Internal Revenue Code) Seksiyon 1031, at gumagamit ng isang serye ng mga alituntunin at regulasyon na kinakailangang sundin upang magamit ng buo ang malaking pakinabang sa buwis na ito. Bilang isang Kwalipikadong Tagapamagitan (Qualified Intermediary), ang Vesta ay may kumpletong kaalaman sa lahat ng may kaugnayan sa paggamit ng seksiyong ito ng kodigo at mahusay na gagabay sa inyo sa prosesong ito.
Paano ko pakikinabangan ang §1031 Exchange?
Ang proseso ng 1031 exchange ay nagbibigay-kakayahan sa mga may-ari ng puhunang ari-arian na palawakin ang kanilang mga lupang ari-arian. Maaaring piliin ng isang mamumuhunan na ibenta ang isang maliit na puhunang ari-arian para sa isang mas malaking ari-arian o vice versa. Ang mga may-ari ng puhunang ari-arian ay may opsyon ding ipagpalit ang isang ari-arian para sa ilang ari-arian o pag-isahin ang ilang ari-arian. Maaaring makamit ng mga mamumuhunan ang hiyograpikal na paglawak sa pakikipagpalitan ng kanilang mga lupang ari-arian saan man sa Estados Unidos. Maraming mga pagpipilian at mga magagamit na oportunidad at Vesta ang tutulong ang pinakamainam para sa inyo.
Ano ang mga kainaman sa 1031 Exchange?
Tipid sa Buwis: Ang 1031 exchange ay nagbibigay-kakayahan sa inyo upang ipagpalit ang inyong ari-arian sa iba at iantala ang pagbayad sa mga federal capital gains na buwis. Ito ay nagbibigay-kakayahan sa inyo na panatilihin ang inyong pinaghirapang kita at sa gayon, muling ipuhunan ang inyong utang na buwis bilang isang walang-tubo, walang-taning na utang (loan) mula sa gobyerno.
Kita: Madaragdagan ninyo ang pasok ng pera. Ang isang halimbawa nito ay pakikipagpalitan ng isang bakanteng lupa sa isang kumikitang ari-arian.
Leverage: Natural sa isang mamumuhunan na may balak mag-ari ng isang lupang ari-arian na gamitin ang lahat ng kanilang kinita mula sa pagbenta ng puhunang ari-arian upang makakuha ng kapalit na puhunang ari-arian. Ang 1031 exchange ay nakakatulong sa inyo upang mas mabilis na yumaman sa pagbibigay-kakayahan sa inyo na gamitin lahat ng inyong kinita kaysa mawala ang isang bahagi nito sa buwis.
Pagpapalawak: Ang 1031 exchange ay nagbubukas ng mga daan para sa pagpapalawak. Ang isang opsyon ay ang ipagpalit ang isang ari-arian para sa ilang ari-arian sa iba't-ibang lokasyon at makamit ang hiyograpikal na paglawak. Isa pang paraan sa pagpapalawak ay ang pagkuha ng iba't-ibang uri ng ari-arian gaya ng pagpapalit ng ilan sa inyong mga pang-isang pamilya na residential unit sa isang retail strip center.
Ginhawa sa Pamamahala: Ang mga mamumuhunang gaya ninyo ay karaniwang nakaka-ipon ng ilang pang-isang pamilya na tirahan sa paglipas ng mga taon. Bunga nito, maaaring malagay kayo sa isang sitwasyon na kinakailangan ang matinding pamamahala at umuubos pa ng oras. Ang 1031 exchange ay nagbibigay-kakayahan sa inyo na ipagpalit ang mga mas maliliit na ari-ariang ito para sa isang mas malaking ari-arian na mayroong off-site na pamamahala.
Mga Hating Pag-aari (Co-Ownerships): Sa isang palitan, maiiwas ninyo ang inyong sarili sa mga problema sa hating pag-aari sa pakikipagpalitan ng mga pinagsamang interes para sa isahang interes sa magkahiwalay na pag-aari.
Para makita ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa 1031 exchange, mag-click dito! FAQs
Kapag kailangan ninyo ng personal na serbisyo, ekspertong ligal na tagapayo at lubos na seguridad, tumawag sa isang mapagkakatiwalaang tagapayo sa isa sa aming mga tanggapan ng Vesta Strategies.
National Toll Free (888) 212-1031